Biyernes, Oktubre 10 2008

Ilabas Ninyo Ako Dito

Matagal ko nang sinasabi 'to sa sarili ko pero tingin ko kailangan ko lang isulat.

Hindi ko gusto ang trabaho ko ngayon. Siguro dahil pabago-bagong mga bagay. Halimbawa na nga ang dami ng trabaho. Hindi naman kasi palaging may promotion na ginagawa ang Sugarhouse kaya sa mga panahong mayroon, sobrang busy at stressed ako. Sa mga panahon namang wala, sobrang wala akong ginagawa at bagot na bagot ako paghihintay ng alas sais ng gabi. Minsan naman, sa umaga ako walang ginagawa at pagdating ng mga alas kwatro ng hapon, magpapadala ng e-mail ang aking boss at magbubuhos ng maraming trabaho. Siyempre kailangan kong matapos agad ang mga iyon para makauwi ako nang maaga. Minsan siguro kasalanan ko rin dahil hindi ko inaalam kung kailan kailangang maipasa ang mga pinagagawang iyon. Kung bakit kasi hindi na lamang ipadala nang maaga para hindi ako naka istambay sa umaga at nangangarag sa hapon.

Maganda talaga sana kung nalalaman ko kung kailan ko dapat ipasa ang mga ipinagagawa sa akin para naaayos ko ang aking schedule. Magagawa kong unahin ang mga bagay na kailangan agad at maipagpapaliban ko muna 'yung mga hindi pa naman kaagarang kailangan. Dati nagbibigay ang boss ko ng Markrting Checklist. Nakatala na doon ang mga kailangan kong gawin sa loob ng isang buwan, pati na rin kung kailan ko kailangang ipasa ang mga ito. Mabuti 'yung ganun dahil nalalaman ko kung alin ang kailangan kong gawin agad, at kung sakaling wala na akong ginagawa, maaari kong tingnan ang listahang iyon para malaman kung aling mga proyekto ang maaari ko nang simulan. Pero nitong mga nagdaang linggo, hindi naman s'ya nagpapadala ng Marketing Checklist. Siguro dahil napansin niyang hindi rin naman nasusunod ang ilan.

Aminado naman ako na 'yung iba, kasalanan ko dahil hindi ko nagagawa agad. Pero minsan s'ya na mismo ang dahilan kung bakit hindi natatapos agad eh. Halimbawa, nakasaad doon na kailangan kong gumawa ng disenyo para sa isang flyer. Magpapadala ako ng mga draft sa kanya ilang araw bago ang deadline para may oras pa para sa mga rebisyon. Dito nagsisimula ang problema. Minsan sobrang dami niyang pinababago na talagang hindi kami umaabot sa deadline. Agad ko namang ginagawa ang mga pagbabago at ipinakikita sa kanya, pero kasi parang mayroon s'yang sakit na kung may maisip s'yang isang ideya, gusto n'ya na agad gamitin sa isa kasalukuyang project. Eh madalas s'yang magkaroon ng mga ideyang ganyan, kaya napapatungan lang 'yung mga luma n'yang magagandang ideya hanggang sa matagalan na ang paggawa ng flyer. Minsan naman, matagal s'ya bago magbigay ng komento ukol sa ipinasa kong disenyo. Minsan sa araw ng deadline o isang araw matapos ang deadline saka pa lamang s'ya magbibigay ng payo ukol sa aking ginawa. Ayun, nagtatagal tuloy. Hindi ko kasalanan pero 'yun.


Matitino naman ang mga kasama ko dito sa trabaho. Mababait naman at matulungin ang karamihan, bagaman may 2 outcast dito sa grupo namin ng 11 dahil kahit na bagong pasok pa lang sila, akala mo kung sino nang umasta. Anyway, ok naman sila kaso 1) babae ang karamihan sa kanila at 2) matatanda na sila. 3 lang kaming lalaking empleyado dito sa opisina (ang iba kasi ay mga trabahador na sa pantry, delivery, warehouse etc). Well ok sana kung mgabata rin sila tulad ko kaso matatanda na sila e. 'Yung pinakamalapit sa edad ko, 29 na yata. Tapos may 2 pang mas matanda lang nang kaunti. Tapos 'yung iba oldies na talaga. Pakshet. Can't relate. Mga may asawa na maliban sa isa. Shet.

Malayo ang opisina sa bahay. Kahit na may LRT2 at MRT, isang oras pa rin ang biyahe dahil sa paghihintay sa bakanteng tren. Lagi kasing puno, lalo na sa MRT dahil sa umaga, lahat papuntang Ortigas, Mandaluyong, Makati, Taft. Kapag pauwi gano'n din. 'Yung mga galing north na pumuntang south nung umaga, pupunuin naman ang mga bus, dyip, at tren pabalik ng north sa gabi.

Marami akong ginagawa ngayon na wala sa job description ko. Dapat Graphic Artis ako. Ang ginagawa ko lang dapat ay yaong may kinalaman sa sa graphics, prmotions at kung anu-ano pa. Pero hindi ko alam, biglang dahil nasa ilalim ako ng marketing, may mga ginagawa rin ako para sa marketing (dahil bukod sa boss ko, ako lang ang tao sa kagawarang ito). Eh kaya ko tinanggap ang trabahong ito kahit maliit ang sweldo kasi naisip ko graphics lang talaga ang gagawin ko. Sapat lang siguro ang P1x,000 kada buwan sa gagawin ko. Pero 'yun nga, andami kong ginagawa na wala naman sa job description ko. Putik. Thus, underpaid. Nung minsang nagpadala sa akin ng Marketing Checklist 'yung boss ko, nakalagay do'n 'yung pangalan ng bagong recruit dapat. Marketing Manager dapat s'ya pero hindi natuloy sa hindi ko alam na dahilan. Basta amg punto ko, sa checklist na iyon, kung sakaling pumasok pala s'ya, mapupunta na sa kanya 'yung mga trabahong may kinalaman sa marketing pero wala nang kinalaman sa graphic design. Pero dahil nga hindi s'ya natuloy, ako pa rin ang gumagawa ng mga iyon. Ang punto ko, handa silang tumanggap ng isa pang tao para gawin 'yung ibang ginagawa ko ngayon at iba pa. Kaya ibig sabihin, kung sakali, dapat ang kinikita ko ay pang 1.5 na tao dahil ang ginagawa ko ay pang1.5 na tao (baka nga 1.75 or 2 pa eh). Shet.

Pakiramdam ko sa trabahong ito, nahahassle lang ako at hindi ako lumalago. Dun-dun-dun!

PERO... hindi ako makaalis dahil balak kong pumasok bilang guro ng sining sa Ateneo Grade School sa susunod na taon. Mga Pebrero ko siguro malalaman kung matatanggap ako. Kung umalis ako sa Sugarhouse ngayon, ibig sabihin 4 na buwan lang ako dito (sige 5 kasi 1 month notice matapos magpasa ng resignation letter). Siyempre ayaw ko namang maging un-employed bago ko malaman kung tanggap nga ako sa Ateneo, so maghahanap ako ng ibang trabaho. Kung sakaling sa Pebrero malaman ko ngang tanggapa ako sa Ateneo, aalis na talaga ako sa nilipatan kong kompanya. Kung Disyembre ako makapasok sa kompanyang iyon at aalis ako ng Marso, edi 4 na buwan lang uli ang itinagal ko. Pangit sa record na 2 magkasunod na trabaho mga tig 3-5 months lang ako. Shete. Hassle no?

Pero gusto ko na talagang umalis dito. Ang perk lang siguro dito malapit 'yung opisina sa condo nina Skye.

Miyerkules, Setyembre 03 2008

Naniniwala ka bang...

walang hanggang ang pag-ibig, kaya ibigay mo man ang lahat sa isang tao ay may matitira pa ring walang hanggang pag-ibig sa puso mo?

-Yol Jamendang, Agosto 2008

Biyernes, Agosto 29 2008

We Both are so Excited 'Cause We're Reunited

Reunited
Peaches and Herb

I was a fool to ever leave your side
Me minus you is such a lonely ride
That breakup we had
Has made me lonesome and sad
I realize I love you
'Cause I want you back
Hey, hey

I spent the evening with the radio
Regret the moment that I let you go
Our quarrel was such
A way of learning so much
I know now that I love you
'Cause I need your touch
Hey, hey

(Chorus:)
Reunited, and it feels so good
Reunited, 'cause we understood
There's one perfect fit
And, sugar, this one is it
We both are so excited
'Cause we're reunited
Hey, hey

I sat here, staring at the same old wall
Came back to life just when I got your call
I wished I could climb
Right through the telephone line
And give you what you want
So you would still be mine
Hey, hey

I can't go cheatin', honey; I can't play
I found it very hard to stay away
As we reminisce
On precious moments like this
I'm glad we're back together
'Cause I missed your kiss
Hey, hey

(Repeat chorus)

Lover, lover, this is sudden love
And you're exactly what I'm dreamin' of
All through the day
And all through the night
I'll give you all the love I have
With all my might
Hey, hey

(Repeat chorus)

Huwebes, Agosto 28 2008

Best birthday EVER!!!

:D:D:D!!!

Huwebes, Hulyo 31 2008

Geeeeek!

Nanaginip ako kagabi na meron na raw akong ligatures ng Avant Garde Gothic Pro. O_o